Connect with us

News

Bagong Tourist Attraction Sa Ilog Angat, Isinusulong Ng BTCVB

Published

on

Hindi na lamang palaisdaan at taniman ng kangkong ang kailugan ng Angat ngayon pagkat matatagpuan na ang pinakabagong atraksyon at destinasyong panturismo, ang San Rafael River Adventure na nag-aalok ng sari-saring mga water sports activities na patok ngayong tag-araw.

Kaya naman isinusulong ng Bulacan Tourism and Convention Visitors Board o BTCVB na mas makilala pa ito na malapit lamang sa Metro Manila.

Tampok dito ang River Cruising na may kasamang pananghalian sa halagang 750 piso kada isang tao.

Tiniyak ng may-ari ng waterpark na si Rogelio De Guzman na ligtas ito dahil dalawang malaking bangka ang nagpapalutang dito.

Bawat isang bangka, siyam na suson ng mga bangka pa ang pinagpatung-patong na idinesenyo ayon sa pamantayan ng shipbuilding engineering.

Bagama’t may pagkakahawig ang konsepto ng River Cruise sa bayan ng Loboc sa Bohol, malaki rin ang pagkakaiba.

Mayroon itong state of the art na palikuran na parang nasa loob din ng isang hotel, banggera at open swimming pool.

Pamoso ang swimming pool na ito na matatagpuan sa bandang harap ng floating restaurant.

Ang sistema, bahagi ng istraktura ng floating restaurant ang yari sa bakal na swimming pool na garantiyang hindi bibitaw kapag naglalayag na ito.

Literal na nakalubog sa tubig ng ilog Angat ang swimming pool kaya’t kapag naglayag ito, rumaragasa sa loob ng pool ang tubig.

Kulay berdeng puti ang kalidad ng tubig ng ilog Angat sa bahagi ng San Rafael.

Sa larangan naman ng pagkain, karaniwang inihahain ay pawang sari-saring inihaw na mga karne at yamang dagat habang naglalayag.

Kaugnay nito, bilang nagsisilbing isang malawak na water sports park ang ilog Angat, pwedeng mag-Kayak sa halagang 250 piso kada oras, mag Jetski sa halagang 1,750 piso kada 30 minuto, paddle boat sa halangang 250 piso kada oras, at sit-down ski na may Jetski sa halagang 1000 piso kada 15 minuto na pwede sa dalawang tao,

Maari din ang Knee board na may Jetski or boat o Wakeboarding sa halagang 1000 piso kada 15 minuto, banana boat na 300 piso ang bawat tao sa loob ng 15 minuto, pedal boat na 150 piso kada 30 minuto, speed boat na 3,500 piso kada 30 minuto, marine boat sa halagang 1,200 piso kada oras, at karaniwang bangka na ginagamit ng mga mangingisda sa halagang 600 piso kada oras. (CLJD/SFV-PIA 3)

Continue Reading
Advertisement
Comments

Subscribe

Advertisement

Facebook

Advertisement

Ads Blocker Image Powered by Code Help Pro

It looks like you are using an adblocker

Please consider allowing ads on our site. We rely on these ads to help us grow and continue sharing our content.

OK
Powered By
Best Wordpress Adblock Detecting Plugin | CHP Adblock