Connect with us

News

SSS, Nagbahagi Ng Karanasan Sa Calamity Assistance Sa Mga Taga-Bangladesh

Published

on

Ibinahagi ng Social Security System (SSS) ang karanasan nito sa pagbibigay ng iba’t-ibang benepisyo at tulong pinansyal sa panahon ng kalamidad sa mga opisyales ng Bangladesh Ministry of Disaster Management and Relief (MDMR) na bahagi ng kanilang SSS Study Tour sa SSS Main Office sa Diliman, Quezon City noong Enero 5.

Ito ang unang study tour na isinagawa ng SSS para sa mga kinatawan ng Bangladesh na kung saan ibinida ng ahensya ang mga tulong na ibinibigay nito tuwing may kalamidad. Ang study tour ay hiniling ng Center for Disaster Preparedness na siyang kaparehang ahensya ng MDMR dito sa Pilipinas.

Nagbigay ng lecture si SSS Senior Vice President para sa Administration Group Ms. May Catherine C. Ciriaco para sa mga kinatawan ng MDMR Gg. Dilip Kumar Sen, Gg. A.B.M Akram Hossain, Gg. Md. Aowlad Hossain Khan, Gng. Ishrat Jahan Taslim, Gg. Md. Siddiqur Rahman, Gg. Satyendra Kumar Sarkar, Gng. Sultana Sayeeda, Gg. Gias Uddin Ahmed, Gg. ASM Shahidul Islam, Gg. Mohammed Asaduzzaman, Gg. Md. Shafiqul Islam. Dumalo rin sina SSS Corporate Communications Department Officer-In-Charge Sonia P. Guinto at Special Events and Promotions Team Head Evelyn R. Binarao sa nasabing study tour.

Noong 2015, ang SSS ay nagsagawa ng study tours para sa apat na mga unibersidad, kabilang ang Technological Institute of the Philippines mula sa Quezon City; St. Anthony’s College-Department of Engineering mula sa Antique; University of Southeastern Philippines mula sa Davao City; at Filamer Christian University-College of Computer Studies mula sa Roxas City.

May mga bisita din ang SSS mula sa dalawang ahensya ng pamahalaan mula sa ibang bansa, tulad ng Employees Trust Fund mula sa Brunei Darussalam at Employees Provident Fund mula sa Nepal., na siyang natulungan ng mga SSS study tours at lecture tungkol sa SSS coverage, koleksyon, benepisyo, buhay ng pondo ng SSS, mga self-service na pasilidad at iba pa. (SSS)

Continue Reading
Advertisement
Comments

Subscribe

Advertisement

Facebook

Advertisement

Ads Blocker Image Powered by Code Help Pro

It looks like you are using an adblocker

Please consider allowing ads on our site. We rely on these ads to help us grow and continue sharing our content.

OK
Powered By
Best Wordpress Adblock Detecting Plugin | CHP Adblock