News
President Aquino Pays Tribute to the Late Interior Secretary Robredo
Naga City, Camarines Sur — President Benigno S. Aquino III on Tuesday paid tribute to former interior and local government secretary, Jesse Robredo, saying the best way to honor him is to continue his legacy.
“Tunay nga po na ang pinakamagandang pasasalamat na maibibigay natin kay Jesse at sa iba pang dakilang taong nauna sa kanya ay ang pagpapatuloy at pagpapaunlad sa mga iniwan nila sa atin,” the President said in his speech during the Jesse Robredo Day Multi-Sectoral Forum, held at the City Hall Grounds here in commemoration of the third anniversary of his death.
“Sa pamamagitan ng kanilang buhay, pagkamatay, at mga sakripisyo ay ipinakita nila sa atin kung ano ang posible. At sa pamamagitan ng paggawa ng mga posible ay nasisiguro nilang mas maganda ang pagsisimulan natin kaysa sa kanilang dinatnan. Nararapat lang na suklian natin ito ng sariling pagsisikap at pagmamalasakit sa mga susunod sa atin,” he said.
President Aquino described Robredo as a true scion of Naga.
“Nakita niya ang mga problema ng mga Nagueño at tinanong niya: Bakit kailangang maging ganito? Iniwan niya ang kanyang komportableng buhay sa pribadong sektor para simulan ang paglilingkod sa kanyang mga kababayan,” he said.
He remembered Robredo as someone who would go wherever he was needed, and one who would speak to whoever he needed to speak to, without any hesitation.
“Kung saan siya kailangan, doon siya nagpupunta. Kapag may bagyo, kahit gaano kataas ang baha, isusuot niya ang kanyang tsinelas at bibisita sa mga nasalanta. Kung sino ang dapat kausapin, sila ang kinakausap niya. Walang bola, walang pamumulitika. Kahit mga jueteng lord o drug lord, o sariling kamag-anak, hindi siya nagdalawang-isip na banggain dahil alam niyang siya ay nasa tama,” he said.
President Aquino noted that Robredo’s political rivals did not deter him from practising good governance.
“Nang makita ng kanyang mga kalaban na isa siyang malaking hadlang sa kanilang mga pansariling interes, nagbato sila ng kung anu-anong isyu. Pati nga ang pagka-Pilipino niya, kinukuwestiyon nila. Pero malinaw sa mga taga-Naga kung ano ang nararapat para sa kanila. Paulit-ulit nilang pinili ang matuwid na pamamahala. Napatunayan ni Jesse at ng mga mamamayan ng Naga na Hindi kinakailangang maging madumi ang pulitika na puwedeng makamit ang mga layunin nang hindi isinasakripisyo ang mga prinsipyo,” he said of the former Naga City mayor.
Thanking Robredo, the President said, “Jesse, maraming salamat sa mga repormang nagawa at sinimulan mo, at sa patuloy na pagiging inspirasyon sa amin sa partido at sa ating mga kababayan.”
Robredo, in his six terms as mayor, had turned Naga from being a third-class municipality into a first-class city.
He was also the first Filipino mayor to receive the Ramon Magsaysay Award for Government Service in 2000.
Robredo died in a plane crash off Masbate province on August 18, 2012. He was 54. PND (ag)