Connect with us

News

Plano ng SSS na Mamuhunan sa Utilities, Magbibigay-Boses sa mga Manggagawa Kung may Rate Hike

Published

on

Plano ng Social Security System (SSS) na palawakin ang paggamit ng investment funds nito para bigyan ang 33 milyong miyembro nito, na kinabibilangan ng mga manggagawa, ng mas “malakas na boses” sa mga sensitibo at importanteng isyu tulad ng pagtaas ng singil sa kuryente, tubig at iba pang basic utilities.

Ayon kay Social Security Commission Chair Dean Amado D. Valdez, bagamat hangarin ng investments ng SSS na palakihin ang kita nito upang makapagbigay ng mas malaking benepisyo sa mga miyembro, dapat ring maghanap ang SSS ng mga paraan upang gamitin ang kakayahan nitong mangapital para itaguyod ang katarungang panlipunan.

Alam naman nating isang kasangkapan para sa katarungang panlipunan ang SSS sa pamamagitan ng mga cross subsidies – ang mga bata ay sinusuportahan ang matatanda, ang mga malulusog para sa mga maysakit, ang mga may mataas na kita ay tumutulong sa maliit ang kita, at maging ang mga lalaki para sa mga babaeng nakikinabang sa SSS maternity benefits,” sabi niya.

Ngunit dagdag niya na “Dapat na mas isulong pa ng SSS ang konsepto ng katarungang panlipunan sa pamamagitan ng paggamit ng pondo nito para magkaroon ito ng representasyon sa mga korporasyong nasa basic utilities tulad ng kuryente at tubig. Mapapalakas nito ang boses ng SSS members sa mga deliberasyon ukol sa pagtaas ng singil sa kuryente at tubig, lalo na’t malaki ang epekto nito sa buhay ng mga manggaggawa at SSS pensioners.” Maaaring gamitin ng SSS ang investment funds nito para magmay-ari ng 25 porsyento ng mga utility corporations kapalit ng parehong porsyento ng kanilang kita.

Kung makatwiran at kailangan naman ang pagtaas ng singil, makikinabang pa rin ang mga miyembro dahil makakakuha ang SSS ng mas mataas na kita mula sa 25 porsyento nito sa kinita ng korporasyon. Magbibigay ito ng karagdagang pondong pampuhunan sa SSS, na magagamit para sa pagpapalaki ng kita nito, Naunang inilahad ng SSS ang panukalang ipatupad ang P2,000 pension increase sa dalawang panahon.

Mauuna muna ang P1,000 na across-the-board pension hike sa 2017, at ang natitirang P1,000 sa 2022 o mas maaga pa. Ayon kay Valdez, isang “win-win solution” ang panukalang inisyal na P1,000 pension increase dahil makakakuha ang mga pensyonado ng SSS ng agarang pinansiyal na tulong. Samantalang mas magaan ang epekto nito sa pananalapi ng SSS dahil may kapasidad pa ito para kumita.

Kung agarang itataas ang pensyon ng P2,000, mauubos ang pondo ng SSS. Mapipilitan kaming kumuha sa aming investment reserve fund para tustusan ang karagdagang benepisyo. Mawawala rin ang pagkakataon na mamumuhunan sa mga utilities at maging sa mga proyekto sa imprastraktura na may sovereign guarantee,” sabi niya.

Sabi niya, magbibigay ng pagkakataon sa SSS ang P1,000 pension increase na gamitin muna ang pondong pampuhunan nito para mas malaki ang kita ng SSS nang sa gayon ay mas magaan ang pagbibigay ng SSS ang ikalawang P1,000 pension increase na hindi mapapahamak ang pangmatagalang buhay ng pondo nito. (SSS) 

Continue Reading
Advertisement
Comments

Subscribe

Advertisement

Facebook

Advertisement

Ads Blocker Image Powered by Code Help Pro

It looks like you are using an adblocker

Please consider allowing ads on our site. We rely on these ads to help us grow and continue sharing our content.

OK
Powered By
Best Wordpress Adblock Detecting Plugin | CHP Adblock