Opinions
HUGOT
If you say hold on, I’ll hold on.
If you say let go, I’ll hold on.
Walang perfect na relationship, pero kung kaya nyo magpakatatag… malamang aabot kayo sa hinahanap nyo na forever.
Pero kung mahal nyo talaga yung isa’t-isa, balewala naman yung forever eh. Hindi naman mahalaga kung gaano kataas kayo nagsama, ang importante, nakilala niyo ang isa’t-isa.
Hindi everyday magiging masaya kayo, ngayon okay kayo; bukas hindi na naman. Ganon naman talaga eh.. dyan masusukat kung gano nyo kamahal yung isa’t-isa. Araw-araw may little forever na dapat nyong lagpasan. Kung mahal mo siya wag kang bumitaw, wag mong hayaan na harapin nya mag-isa yung bukas nya. Wag ka maging selfish, wag mo isipin ano mangyayari sayo pag nawala sya, isipin mo ano mangyayari sa kanya pag wala ka sa tabi nya.Gawin mo kung ano talaga nararamdaman mo, wag mo lokohin sarili mo. Mahirap e solve yung problema, pero mas mahirap pag winala mo siya. Wag ka maniwala sa destiny, hindi ready-made ang buhay kaya dapat ikaw ang gumawa. A clock will only provide you a time, nasa iyo na yan kung pano mo gagamitin. Basta’t ano man ang mangyari wag kang matakot kung san kayo mapupunta. Pag nagkaproblema man, basahin mo ulit yung nasa itaas. “Walang perfect na relationship pero kung kaya nyo magpakatatag… malamang aabot kayo sa hinahanap nyo na forever”. Remember, mas mahirap parin kapag wala kang nagawa, baka masabi mo nalang sa bandang huli na “sayang”.