Connect with us

News

Patakaran sa Sahod Para sa Araw ni Bonifacio Ipinalabas ng DOLE

Published

on

Ipinaalalahanan ni Kalihim Silvestre H. Bello III ng Paggawa at Empleo (DOLE) ang mga employer na sundin ang tamang pasahod para sa Nobyembre 30 regular holiday, Araw ni Bonifacio.

Nagpalabas ng paaalala si Bello sa paggunita ng buong bansa sa ika-153 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Miyerkules, isang regular non-working holiday.

Hinihimok ko ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang patakaran sa pagbibigay ng tamang sahod at batas-paggawa na naayon sa nasabing araw para sa kagalingan at ikabubuti ng ating manggagawa,” ani Bello matapos niyang ipalathala ang Labor Advisory No. 16, Series of 2016.

Ang Araw ni Bonifacio ay taon-taong ginugunita bilang paggalang sa kinikilalang ‘kahanga-hangang mamamayan,’ na isinilang noong 30 Nobyembre 1863.

Ang patakaran sa tamang sahod para sa Araw ni Bonifacio ay ang sumusunod:

• Kung hindi nagtrabaho, tatanggap ang empleyado ng 100 porsiyento ng kanyang sahod sa nasabing araw. Kasama ang COLA sa pagkukuwenta ng holiday pay. Halimbawa: [(Arawang sahod + COLA) x 100 porsiyento];

• Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw, tatanggap siya ng 200 porsiyento ng kanyang regular na sahod para sa unang walong oras. Kasama din ang COLA sa pagkukuwenta ng holiday pay. Halimbawa: [(Arawang sahod + COLA) x 200 porsiyento].

• Kung nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work), siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita ng nasabing araw. Halimbawa: [Orasang kita ng arawang sahod x 200 porsiyento x 130 porsiyento x bilang ng oras na trinabaho];

• Kung nagtrabaho sa nasabing araw at ito din ay araw ng kanyang pahinga, siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang kita na 200 porsiyento. Halimbawa: [(Arawang kita + COLA) x 200 porsiyento] + (30 porsiyento [Arawang kita x 200 porsiyento)]; at

• Kung nagtrabaho ng higit sa walong oras (overtime work) ng regular holiday na siya ring araw ng kanyang pahinga, siya ay babayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita ng nasabing araw. Halimbawa: (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200 porsiyento x 130 porsiyento x 130 porsiyento x bilang ng oras na trinabaho). (DOLE) 

Continue Reading
Advertisement
Comments

Subscribe

Advertisement

Facebook

Advertisement

Ads Blocker Image Powered by Code Help Pro

It looks like you are using an adblocker

Please consider allowing ads on our site. We rely on these ads to help us grow and continue sharing our content.

OK
Powered By
Best Wordpress Adblock Detecting Plugin | CHP Adblock