News
Government Monitoring Implementation Of Programs To Mitigate Effects Of ‘El Niño’, Says Palace Official
Communication Secretary Herminio Coloma, Jr. on Sunday assured that the government is closely monitoring the implementation of programs aimed at cushioning the impact of the El Niño weather phenomenon.
“Masinsing tinututukan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga programa upang maibsan ang epekto ng El Niño, at bigyan ng sapat na tulong ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura. Sa katunayan, binanggit ni Pangulong Aquino sa kaniyang panayam sa mga mamamahayag noong nakaraang Miyerkules na isa ang El Niño sa mahalagang usaping kaniyang binabantayan sa nalalabing panahon ng kaniyang termino,” Secretary Coloma said during an interview with Radyo ng Bayan.
He said that during the El Niño Summit held in Pampanga last March 1, Agriculture Secretary Proceso Alcala announced that cloud-seeding operations are being conducted in areas affected by severe drought.
“Noong ika-1 ng Marso ay nagdaos ng El Niño Summit sa Pampanga, at doon inihayag ni Secretary Alcala ng Department of Agriculture na higit pang pinaiigting ng pamahalaan ang iba’t ibang hakbang tulad ng cloud-seeding operations sa iba’t ibang panig ng bansa, tulad ng Mindanao, na nakaranas na ng pag-ulan sa ilang lugar,” said Coloma.
“Bukod pa rito, ang mga programa ng Department of Agriculture ay ang sumusunod: Pagtatayo ng solar at wind pump irrigation system; maliit na imbakan ng tubig o small water impound; at iba pang alternative irrigation systems sa mga taniman sa mga lalawigan kung saan ang agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay. Ang mga proyektong ito ay bahagi ng pangmatagalang solusyon na nakapaloob sa El Niño Action Plan ng Department of Agriculture na may dalawang mahalagang bahagi. Una, production support; at ikalawa, water management,” he explained.
The Palace official said test surveillance and monitoring of ricefields, as well as distribution of quality seeds to farmers are ongoing.
“Tuluy-tuloy din ang test surveillance at monitoring sa mga bukirin, at ang pagbibigay ng mataas na kalidad ng binhi sa mga nagtatanim ng palay at mais at alternatibong pananim tulad ng mungo o bean, peanut, soybean, sweet potato at cucurbit. Namamahagi din ng fingerlings, livestock buffer feed stockings at maging veterinary drugs upang punan ang posibleng epekto ng kabawasan sa produksiyon sa sektor ng pangingisda at paghahayupan,” said Coloma. (PND)