Connect with us

News

Salin Na 2016, Tampok Ang Impresiones Ni Antonio Luna

Published

on

Inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang lahat na sumali sa Salin Na 2016!

Ang Salin Na 2016 ay taunang programa sa pagsasalin ng minakamahahalagang tekstong pampanitikan, pangkultura, at/o pangkasaysayan ng bansa tungo sa layuning makalikha ng repositoryo at lawas ng mga opisyal at mapagtitwalaang salin sa Filipino ng mga naturang akda.

Para sa taong 2016, ang akdang isasalin ay ang Impresiones ni Antonio Luna bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng kaniyang ika-150 kaarawan.

Bukas ang timpalak sa lahat, maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang mga kaanak. Makukuha lamang ang isasaling tekstong Espanyol (pdf file) sa website ng KWF sa www.kwf.gov.ph Mula Espanyol tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Kailangang orihinal ang salin na likha ng kalahok at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon. Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa Hunyo 30, 2016 5nh. Ang lahok na salin ay maaring dalhin nang personal o ipadala sa koreo sa:

Lupon sa Gawad
Komisyon sa Wikang Filipino
2F Gusali Watson, 1610, J.P. Laurel St.
San Miguel, Maynila

Paalala lamang na hindi tatanggapin ang entri na ipapadala sa email.

Ang tatanghaling pinakamahusay na salin ay tatanggap ng P50,000 (net) at plake ng pagkilala. Lahat ng kalahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik ang salin at angkin ng KWF ang karapatang mailathala ang nagwaging lahok.

Para sa karagdagang detalye, tumawag sa Sangay ng Edukasyon at Networking sa telepono blg. (02) 736-2519. Maari ring pumunta sa www.kwf.gov.ph para sa iba pang detalye ukol sa Salin Na! 2016 at iba pang paalala. (KWF)

Continue Reading
Advertisement
Comments

Subscribe

Advertisement

Facebook

Advertisement

Ads Blocker Image Powered by Code Help Pro

It looks like you are using an adblocker

Please consider allowing ads on our site. We rely on these ads to help us grow and continue sharing our content.

OK
Powered By
Best Wordpress Adblock Detecting Plugin | CHP Adblock